Menu
Philippine Standard Time:

Festivals

Intangible Cultural Heritage

Intangible culture includes fiestas and festivals. Santa Maria Town Fiesta, the mother of all fiestas in the municipality, is celebrated on the first Thursday after the 2nd day of February. This month-long celebration features various cultural and religious events in honor of their Patroness, La Purisima Concepcion.

Pistang Bayang – La Purisima Concepcion 2023
Image from Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion  – Santa Maria Facebook Page 

ANO NGA BA ANG ILAN SA MGA KILALANG BAGAY TUWING PISTA NG SANTA MARIA?

Isa dito ang tiyak na pasalubong pagkatapos magsimba, ang TUGE.

Ang tuge ay isang uri ng lamang ugat na inaani lamang noon sa panahon ng pista ng Santa Maria. Nakasanayang nabibili sa paligid ng simbahan kaya’t karaniwang nagiging pasalubong ng mga namimista sa Santa Maria sa tuwing pista ng La Purisima Concepcion.

Noong araw, nanggagaling pa ng Antipolo at sa mga mabundok na mga bayan ng Rizal ang tuge, sa paglipas ng mga panahon, mayroon na ding tanim mula sa mga kalapit bayan gaya ng Norzagaray.

Ayon sa mga pag-aaral, gaya ng iba pang lamang ugat, ang tuge ay nagtataglay ng mataas na protein, at vitamin B. Mayaman din ito sa mga mineral gaya ng Calcium, Iron, Magnesium, Potassium, at Zinc. Nakakatulong din ito sa pagpapababa ng blood sugar.

– from Municipality of Santa Maria Facebook Page

ANO NGA BA ANG KILALANG MGA BAGAY KAUGNAY NG PISTA NG SANTA MARIA?
 
Malutong. Malinamnam. Katakam-takam. Ang Chicharon ng Bayang Santa Maria.
Ang sitsaron ay isang uri ng pagkaing Pinoy na gawa sa balat at taba ng baboy na ipiniprito sa kumukulong mantika hanggang sa tuluyang lumutong. Ito ay nagmula sa salitang Espanyol na CHICHARRON a may gayong kahulugan. Kaugma itong kainin na may katumbas na suka may sili man o wala at angkop na pulutan sa mga umiinom ng alak at serbesa. Maaari din itong ipansahog sa ilang pagkaing pang-ulam gaya ng ginisang monggo, gulay, at maging pansahog sa pansit palabok, luglog, lomi, mami, at pansit Molo. Tinatawag din itong satsaron at pupol.
 
 

Municipality of Sta. Maria, Bulacan
J.C. De Jesus St., Poblacion, Sta. Maria, Bulacan
itcsantamaria@gmail.com